Sagot :
SAGOT:
- DK
- DK
- KK
- KK
- DK
PALIWANAG:
Ang unang pangungusap ay halimbawa ng denotasyon sapagkat walang malalim na pagpapakahulugan ito. Ito lamang ay inilalarawan sa literal na katangian nito.
- bola - kulay itim na bilog (denotasyon)
- bola - bolero o mahilig magbiro (konotasyon)
Ang pangalawang pangungusap ay isa ring halimbawa ng denotasyon sapagkat inilalarawan ito sa literal na kahulugan at walang malalim na kahulugan.
- bituin - kumikinang sa kalangitan (denotasyon)
- bituin - nagbibigay ningning sa mga tao upang maging inspirasyon (konotasyon)
Ang pangatlong pangungusap ay halimbawa naman ng konotasyon sapagkat may pansariling kahulugan o may malalim na kahulugan ang isa o grupo ng mga salita.
- papel - bagay na manipis na ginagamit sa pag-aaral (denotasyon)
- papel - gampanin o tungkulin (konotasyon)
Ang pang-apat na pangungusap ay halimbawa parin ng konotasyon sapagkat may natatanging kahulugan ang salita o grupo ng mga salita na ginamit sa parirala.
- basang sisiw - mga sisiw na basa dahil sa lakas ng ulan (denotasyon)
- basang sisiw - mga taong abang-aba o kawawa (konotasyon)
Ang ikahuling pangungusap ay halimbawa ng denotasyon sapagkat ito ay literal na kahulugan ng salita at pangkaraniwan lamang ang kahulugan nito.
- kanang kamay - bahagi ng katawan (denotasyon)
- kanang kamay - pangalawang katiwala o pinagkakatiwalang tao (konotasyon)
ANO ANG KONOTASYON AT DENOTASYON?
Ang denotasyon ay kahulugan ng mga salita na ating makikita sa diksyunaryo. Ito ay ang totoo o literal na kahulugan ng salita. Ito ay ginagamit upang pantukoy lamang sa isang bagay.
MGA HALIMBAWA:
- pulang rosas - uri ng rosas na kulay pula
- susi - bagay na ginagamit sa pagbukas sa pinto
Ang konotasyon naman ay mga salita o grupo ng mga salita na may malalim na kahulugan, ito ay kakaiba sa pangkaraniwang mga kahulugan. Nagbibigay buhay ito sa isang pangungusap at nagbibigay diin sa isang salita.
MGA HALIMBAWA
- gintong kutsara - mayaman o may kaya sa buhay
- ahas - traydor