👤

Ano ang mga pagbabagong nagyari sa pamumuhay ng tao noong Renasiyemto?

Sagot :

Answer:

Search...

1

villareal274

05.01.2021

Filipino

Junior High School

answered

Ano ang mga pagbabagong nangyari sa pamumuhay ng tao noong renasimyento?

1

SEE ANSWER

Ask villareal274 about this question...

Answer

4.0/5

33

Jaymuel005

Ambitious

8 answers

472 people helped

Answer:

Ang Renaissance ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dan taon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Kapanahunan at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Gitnang Kapanahunan at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon. Nakatuon ang tradisyonal na pananawa sa mga maagang modernong aspeto ng Renasimiyento at hinihimok na pagtigil ito ng nakaraan, ngunit nakatuon ang mga mananalaysay ngayon sa mga edad medyang aspeto at hinihimok na karugtong ito ng gitnang panahon.

Explanation:

Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: "Man is the measure of all things.)". Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.

Bilang kilusang pangkultura, kasama sa Renasimiyento ang makabagong pamumulaklak ng Latin at katutubong panitikan na nagsimula sa muling pag-aaral mula sa mga klasikong sanggunian noong ika-14 na siglo na pinupuri ng mga kapanahon kay Petrarch; ang pagsulong ng perspektibong linyar at ibang kasiningan para mailarawan ang mas natural na realidad sa pagpipinta; at unti-unting pero laganap na reporma sa edukasyon. Sa pulitika, nag-ambag ang Renasimiyento sa pag-unlad ng mga kaugalian at kombensyon ng diplomasya, at sa agham sa nadagdagang pagtitiwala sa pagmamasid at pangangatuwirang pasaklaw. Kahit mararami ang mga rebolusyon ng Renasimiyento sa mga intelektwal na pagtugis, pati na rin ang pagbabagong panlipunan at pampulikta, marahil na pinakakilala ito para sa kanyang pagsulong sa kasiningan at sa mga kontribusyon ng mga erudito katulad nila Leonardo da Vinci at Michelangelo na naging inspirasyon para sa terminong "taong Renasimiyento (Ingles: Renaissance man)"