Sagot :
Ang nagagabay sa anak sa kanyang mga unang pagpapasya ay ang kanyang sariling mga magulang. Ito ay obligasyon ng magulang na magturo sa anak kung paano ang tamang pagpapasya. Matuturo nila ito sa paraan ng pagbibigay ng halimbawa kung saan pinapakita ang kahihinatnan ng bawat papipilian kung ito man ay pinili. Sa paraan na ito, matuto ang bata at sa katagalan, siya ay marunong na magpasya sa kanyang sarili.