👤

sa pamamagitan ng collage o pinasama samang larawan ilahad ang kahalagahan ng edukasyon​

Sagot :

Answer:

Ang Edukasyon ay isang makapangyarihang armas na maaaring gamitin upang mabago ang takbo ng mundo at ang buhay ng tao.

Ang EDUKASYON ay napakahalagang bagay na dapat matamasa ng bawat isa sa atin dahil ito ang natatanging bagay na maaaring makapagpabago sa ating buhay. Ang edukasyon ay mahirap itaguyod kaya't kailangan natin ng pagsisikap,konting tiyaga at higit sa lahat ay katatagan upang maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay dahil ang edukasyon ang susi sa pagtupad ng ating mga pangarap at ilaw sa ating madilim na nilalakaran. Ang pag - aaral ay hindi nagagawa ng karamihan sa atin dahil sa kahirapan, maraming tao ang nangangarap makapag - aral ngunit hindi nila magawa, kaya't kapag pinag - aral tayo ng ating mga magulang o kung sino man ay pagbutihin natin at wag nating sayangin dahil lamang sa pag - ibig na yan, gugutumin lang tayo at paghihirapin, pero kapag nakapagtapos tayo ng pag - aaral ay kaya tayo nitong busugin at pagyamanin. Pakatandaan mahirap mag - aral, ngunit mas mahirap kapag wala tayong pinag - aralan.

"Pag may tiyaga, may nilaga" gasgas man ang salitang ito ay pilit ko pa ring pinanghahawakan dahil sa kaunting paghihirap natin ay habang buhay na tagumpay ang makakamit.

Explanation:

HOPE IT'S HELP