👤

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Panuto: Bumuo ng pangungusap na nagpapahayag ng
pagsasatao gamit ang mga sumusunod na parirala.
Gawin ito sa kwaderno.
1. lumilipad ang oras
2. ngumanga ang lupa
3. sumasayaw ang mga puno
4. sumipol ang hangin
5. lumuha ang kandila​


Sagot :

Answer:

1. Sa sobrang saya ay hindi namalayan ni Dino na lumilipad ang oras at malapit nang gumabi.

2. Nang nagliwaliw si Joshua sa kanilang bakuran ay may nakita siyang bahagi na kung saan ngumanga ang lupa.

3. Aliw na aliw si Hoshi nang nakita niyang sumasayaw ang mga puno kasama ang bagsik ng hangin.

4. Sa kadahilanang sumipol ang hangin ay naging alerto ang isipan ni Woozi at nakapag-umpisa na siyang sumulat ng kanta.

5. Paborito ni Jun ang wax na umaagos kapag lumuha ang kandila sa tuwing brown out.