Panuto: Suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng surplus, shortage, o ekwilibriyo. Isulat ang sagot sa papel.
1. Kailangan ni Chef Joel ng isang dosenang itlog para makagawa ng Leche Flan para ibigay sa kanyang kaibigang si Liza ngunit sampung itlog na lamang ang natitira sa supermarket. 2. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang PhP100 at sa dami na 50. 3. May sampung kahon ng face mask si Aling Koring ngunit limang kahon lamang ang handa at kayang bilhin ng kanyang mga kapitbahay. 4. Biniling lahat ni Vicky ang mga itinitindang puto ni Ulysses. 5. May 10 gallon ng alcohol na binebenta sa MS Grocery. Naubos lahat ang 10 gallon at dahil sa pagdami ng kaso ng Covid-19, kinailangan pa ng mga tao ng alcohol. 6. Isandaang bote ng Vitamin C ang supply sa Earth Pharmacy pero tatlong daang kahon ang demand para dito. 7. Natunaw lamang ang ice cream ni Mang Isko dahil may bagyo at walang bumili. 8. Naubos kaagad ang smartphones sa Super Mobile Store nang bilhin lahat ng mga magulang para gamitin ng kanilang mga anak sa online class. 9. May 30 na panindang paso(flower pot) si Marla. Dahil marami ang nakahiligang magtanim, naubos lahat ang kaniyang paninda at marami pa ang naghahanap. 10. Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang bentang jacket ni Karla.