👤

Bakit natin kinakailangan ang ibang tao sa buhay natin? essay.​

Sagot :

Answer:

Upang tayo'y mabuhay din.

Explanation:

Ang pagkakaroon ng parte ng ibang tao sa buhay natin ang siyang nagbibigay buhay sa atin. Sapagkat hindi lang tubig at pagkain ang siyang bumubusog sa atin. Kailangan ng ating katawan at kaluluwa ang pagmamahal. Ngayon, kung walang ibang tao sa buhay natin, sino nalang ang magbibigay niyon? Pagkat kung ang sarili lamang natin, sobrang napakakulang niyon. Kailangan natin ng ibang tao na siyang makapagpapasaya sa atin. Kailangan natin ang ibang tao upang tayo'y mabuhay ng may galak at pagmamahal. Kailangan natin ang ibang tao upang may makapagbibigay sa atin ng inspirasyon. Kailangan natin ng ibang tao upang malaman natin ang ating mga pagkakamali. Kailangan natin ng ibang tao sa buhay natin upang makompleto ang ating buhay. Kailangan natin sila sapagkat sila ang nakapagbibigay ng ibig sabihin sa kung ano ang ating halaga kung bakit tayo ay nabubuhay.

#Bigyan ng importansiya ang bawat isa.