👤

ACTIVITY 3: Lagyan ng tsek kung ang ang mga sumusunod ay nagtataglay ng tamang kahulugan at kung hindi,
salungguhitan ang salita o mga salita na nagpamali sa pangungusap at isulat ang tamang kahulugan Gumamit ng isang
buong papel
1. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay ang simpleng modelo ng ekonomiya na may dalawang sektor, ang
sambahayan at bahay-kalakal.
2.Ang Makroekonomiks ay sumasaklaw sa mga gawain ng kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
3. Ang bahay kalakal ay palaging may layunin na palakihin o paunlarin ang produksiyon
4. Ang panlabas na sektor ay mga gawain na pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa loob ng
bansa
5. Pag-unlad o paglago ng ekonomiya ang tanging layunin ng pag-aaral ng makroekonomiks.
6. Ang pag-iimpok ay palabas na daloy sa modelo ng ekonomiya.
7. Pareho lamang ang halaga ng lahat ng gastusin ng mga sektor ng ekonomiya sa kinita ng mga sektor.
8. Pamumuhunan ang isa sa mahalagang gastusin ng sambahayan.
9. Walang gawain ang pamahalaan na nakakaapekto sa galaw ng isang ekonomiya.
10. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nasa estado ng ekilibriyo.​