👤

GAWAIN 1: FACT o BLUFF
Panuto: Isulat ang FACT kung ang pahayag ay wasto at BLUFF naman kung ito ay hindi wasto.

1. Ang simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko ay
nang pataksil na sinalakay at binomba ng mga Hapones ang
Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941 (Disyembre 8 sa
Pilipinas).

2. Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas para matalo ang mga
Amerikano at mailigtas ang mga Pilipino mula sa pagkakaalipin
ng mga ito.

3. Kakampi ng mga Pilipino ang mga Hapones.

4. Itinatag ng bansang Hapon ang Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere upang magkaisa ang mga mamamayang taga-Silangang
Asya para sa kaunlaran,

5. Nasangkot ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil
sa kolonya ito ng bansang Amerika.

GAWAIN 2: AYUSIN MO!

Panuto: Ayusin batay sa pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan sa pagsisimula ng pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalagay ng numero (1-5) sa bawat pangyayari.

A. Pag-anib ng bansang Hapon sa Axis Powers.

B. Binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor, ang pinakamalaking baseng Amerikano sa Pasipiko.

C. Naganap sa Washington ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng bansang Hapon at Estados Unidos.

D. Naganap ang Death March sa Bataan

E. Binomba at pinasok ng mga Hapones ang iba't ibang lalawigan sa Pilipinas.​