Sagot :
Pang-uri at Kayarian nito
Salita: Palabiro
Kayarian: Maylapi
Salitang-ugat: biro
Panlapi: Pala-
- Ang binigay na salita "palabiro" ay isang pang-uri na ginagamit panlarawan sa isang tao (Palabiro si Mia sa kanilang barkada). Ang kayarian ng pang-uri ng palabiro ay maylapi dahil ito ay may panlaping "pala-". Ang salitang-ugat nito ay biro.
Pangungusap:
- Palabiro talaga ang batang iyan!
- Isang palabirong babae si Rea.
- Hindi nauubusan ng tawa sa tuwing nandiyan ang palabirong si Troy.
#CarryOnLearning