👤

AGAW-DILIM
ni Jose Corazon de Jesus
Namatay ang araw
sa dakong kanluran,
nang kinabukasa‟y
pamuling sumilang,
ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw
ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?

Naluoy sa hardin
ang liryo at hasmin,
Mayo nang dumating
pamuling nagsupling,
ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw
dalawang Mayo nang nagtago sa akin?

Lumipad ang ibon
sa pugad sa kahoy,
dumating ang hapon
at muling naroon,

ngunit ikaw, buhay, ano‟t hangga ngayo‟y
di pa nagbabalik at di ko matunton?

Pag-unawa sa Binasa:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano-anong pangyayari ang ginugunita ng
makata? Ang mga pangyayari bang
ito ay karapat-dapat pang gunitain?
Pangatwiranan.
3. Isa- isahin ang mga pantulong na kaisipan na
nakasaad sa tulang binasa.


Sagot :

Answer: makakatulong po sana ang answer ko

1. dakong kanluran

2. namatay si jose corazon de jesus, hindi

3. sumilang, hanggang ngayon