Sagot :
Answer:
Ang Gawi at Bisa ng Pagbabasa Lagi t laging uhaw ang ating isip sa kaalaman, sa mga bago at sa mga dating ideya at sa namamayagpag na pagtuklas ng maraming palaisip, iskolar, siyentista, at manunulat. Parang espongha ang ating isip na handang tumanggap at lumikom ng dagsa-dagsang impormasyon. Para itong memory drive ng computer na naghihintay pag-imbakan ng samutsaring mensahe at datos. Katumbas nito ang kahalagahan ng karanasan na sumasalikop ng bawat damdamin, pagpapahalaga, at pananaw na pinagdaraanan ng bawat tao sa bawat yugto ng kanyang buhay. Ano ang kinalaman nito sa pagbabasa? Ano ang bisa ng pagbabasa ng 100 aklat o higit pa para sa isang indibidwal at sa lipunang kanyang ginagalawan? Paano tayo hinuhubog ng mga aklat na binasa natin? Sa isang banda, gusto kong maging personal at interpersonal ang koleksyong ito na aakay sa mambabasa sa mundo ng pagtuklas, pagtatanong, pagkritika, pagkamulat, at pagkilos. Personal dahil bunga ito ng mahabang panahon ng pagbabasa ko bilang mag-aaral, guro, at iskolar sa loob ng ht-kumulang 30 taon, simula noong dekada 80 hanggang sa kasalukuyan. Nakapook ang pagbabasa ko sa interseksyon ng apat na lunsaran: sa kahingian ng edukasyon, interes o hilig sa buhay, rekomendasyon ng ibang tao't institusyon ng media/kulturang popular, at ang huli'y ayon sa sariling adhika't adbokasiya sa buhay.
Explanation:
i hope it helps :)