👤

ano ang salik na nakaka impluwensiya sa demand ng tao?​

Sagot :

Answer:

KITA- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto.Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan. Normal goods-dumadami ang demand sa produkto dahil sa pagtaas ng kita. Inferior goods-mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.

PANLASA-Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa panlasa,maaring tumaas ang demand para dito.

DAMI NG MAMIMILI-Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal and tinatawag na bandwagon effect . Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat ang iba na bumili.

PRESYO NG MAGKAUGNAY NA PRODUKTO SA PAGKONSUMO-magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay kumplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Komplementaryo (complementary) -mga produktong kapag sabay na ginagamit. Pamalit (substitute)-produktong maaaring magkaroon ng alternatibo.

INAASAHAN NG MGA MAMIMILI SA PRESYO SA HINAHARAP-kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa pa ang presyo nito.

ANG PAGLIPAT NG DEMAND CURVE-Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan.Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba sa kaliwa.