Ang kahalagahan ng pakikilahok sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan:
- Nag-aambag ito sa pagkakaisa ng bawat tao
- Napapanatili ang kooperasyon
- Natutulungan nito ang sarili mo at maging ang mga taong nasa paligid mo
Ang kahalagahan ng bolunterismo:
- Pinatitibay mo ang pagbubuklod ng isang lipunan
- Nakakatulong ka upang mapasulong ang gawain
- Nagsisilbing halimbawa ka para sa iba
Paliwanag:
Sa panahon natin sa ngayon, mahalaga ang pakikilahok at saloobin ng bolunterismo. Malaki ang nagagawa ng mga ito para mapa-unlad ang mga mamamayan sa isang lipunan. Nakakahiyakat ito sa mga makakakita para gawin rin ang ganoong pagkilos. Dahil marami ang nag-oobserba at tumitingin sa atin kapag nakikiisa tayo sa mga gawain sa barangay man o isang organisasyon. Nagdudulot ito ng mabubuting epekto sa atin at maging sa kapuwa natin.
Nakakatulong ang bagay na ito para mabilis ang mga gawain at maging matagumpay ang isang aktibidad o proyekto. Kapag tayo ay nakikilahok o nagboboluntaryo ibig sabihin lang nito ay may pagnanais tayo at mula sa puso ang mga ginagawa natin sakrispiyo. Hindi tayo naghihintay ng kapalit sa naiwalang panahon, oras, materyal na bagay at lakas sa paggawa at pagtulong. Nagiging masaya ang isa kapag patuloy siyang nagpapamalas ng ganitong kaisipan at saloobin sa buhay niya.
Hindi lang ito para sa pagtulong kundi nahuhubog mo pa ang sarili mo ukol sa kabutihan at pagmamhal sa iyong kapuwa. Nariyan ang ating pagsisikap ng husto na gawin ang lahat para dito. Kaya ang tanong na bumabangon ay, handa ka rin ba makilahok at magsakripisyo para sa ikaka-unlad ng mga mamamayan at lipunan? Tayo na mismo ang makakasagot nito at suriin natin ang sarili natin may kaugnayan sa bagay na ito.
Magtungo pa sa mga link na ito:
Ang kaibahan ng pakikilahok sa pagboboluntaryo: brainly.ph/question/237651
Ang pagsasaliksik may kaugnayan sa paglalaan ng panahon ng isa sa buhay niya sa larangan ng pakiklahok at pagboboluntaryo para sa kawang-gawa: brainly.ph/question/10842418
#BrainlyEveryday