Panuto:
Basahin at unawain ang talata . Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod
na tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Kung pupunta ka ng Sagada, ihanda ang iyong sarili para sa mga pambihirang
karanasan. Maliit na bayan ang Sagada ng Lalawigan ng Mountain Province sa Cordillera
Administrative Region (CAR).
Malayo sa urban na pamumuhay ang Sagada. Malayo sa industriyalisasyon. Kaya kung
nagnanais ka ng payapa, maaliwalas, liblib na lugar, may sariwang ihip ng hangin, sariwang
mga gulay at prutas, sa Sagada ka pumunta. Sa mga tanawin naman, nariyan ang Kiltepan
View, na sa madaling-araw pinupuntahan ng mga turista sapagkat inaabangan dito ang
pagsikat ng araw, Hanging Coffins, mga kabaong ito na patong-patong na nakasabit sa
limestone karst cliffs, ang Talon ng Bomod-ok, at marami
pang
iba.
Mga Tanong:
1. Saan matatagpuan ang bayan ng Sagada?
2. Ilarawan ang lugar ng Sagada.
3. Ano-anong magagandang tanawing makikita sa bayan?
4. Ano ang angkop na pamagat ng talata?
5. Punan ng mga datos ang form na ginagamit ng mga namamasyal doon. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel
![PanutoBasahin At Unawain Ang Talata Pagkatapos Sagutin Ang Mga Sumusunodna Tanong Isulat Sa Sagutang Papel Ang Iyong SagotKung Pupunta Ka Ng Sagada Ihanda Ang I class=](https://ph-static.z-dn.net/files/dee/048eaa93e46f2e4374db8b9aa872c1bd.jpg)