👤

Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at M kung ito aymali. Isulat ang sagot sa nakalaan na patlang bago ang bilang.
_______1.Ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay tumutukoy sa tunggalian ng tao
laban sa kalikasan.
_______2.Ang pagiging mahina ni Santiago ang nagpabagsak sa kanya laban sa pating na
kanyang nakaharap.
_______3.Ang teoryang realismo ay tumutukoy sa mga pangyayaring may kaugnayan sa
realidad ng buhay.
_______4. Gaya ni Santiago, magtatagumpay din ang taong hindi magpapatalo sa mga
hamon ng buhay.
_______5.Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay tumutukoy sa mga
pangyayaring kapani-paniwala o makatotohanan.
_______6.Ang maikling kuwento ay akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang
kuwento na nahahati sa mga kabanata.
_______7.Ang kalupitan at karahasan na naranasan ni Santiago sa dagat ay nagdulot sa
kanya ng katatagan sa buhay.
_______8.Ang nobelang pagbabago ay uri ng nobela na tumatalakay sa pang araw-araw na
buhay ng tao at ng mga taong nasa paligid niya.
_______9. Ang nobela ay may siyam na elemento.
_______10. Isa sa mga katangian ng nobela ay pumupuna sa lahat ng aspeto ng buhay.