Ang Mag-ama Noong unang panahon, sa isang malayong nayon sa Palawan ay may isang Radya na namumuhay kasama ang kaisa-isang anak na lalaki, si Raile. Radya ang tawag sa isang pinuno o lider ng isang tribu. Isang araw, naisip ng mag-ama na mangaso Isang mahabang silo ang kanilang dinala at iniwan sa gubat. Pagkaraan ng tatlong araw ay binalikan nila ang silo. Tuwang-tuwa ang mag-ama nang malata ang laman ng silo. Isang napakalaking ibon ang nasilo nila. Piyak-piyak kung tawagin ang ibong ito. Sa hindi inaasahan biglang nangitlog ang ibon. Isang napakalaking itlog ang nakita nilang nahulog. Walang paglagyan ng tuwa ang anak ng Radya na si Raile. Dahil sa hindi nila kayang dalhin ang ibon at itlog, ipinatawag ng Radya sa anak ang ilang mga tauhan sa tribu. "Sige, katayin ninyo ang ibon. Iluto ito at bigyan ang lahat sa tribu. Biyakin din ninyo ang itlog at paghati-hatiin ang laman para makatikim ang lahat," utos ng Radya. Ganoon na lamang ang kasiyahang nadama ng mga katribu ng Radya.
1.)Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? paano sila inilarawan sa kwento? 2.)Saan naganap ang tagpuan?ilarawan.