👤

Ano ano ang yugto ng makataong kilos ayon kay sto. Tomas de Aquino?

Sagot :

Mga Yugto ng Makataong Kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino:

ISIP

  • Pagkaunawa sa layunin- ito ay tumutukoy sa pagkakaunawa o pagkakaintindi sa isang bagay na gusto o ninanais, mabuti man ito o kaya masama.

  • Paghuhusga sa nais makamtan- ito ay tumutukoy sa yugto na hinuhusgahan ng ating isip ang mga maaaring posibilidad na puwedeng makuha o makamtan.

  • Masusing pagsusuri ng paraan- ito ang yugto na nag-iisip muna at sinusuri ng isa ang ilan sa mga paraan upang makamtan ang kaniyang layunin sa buhay.

  • Praktikal na paghuhusga sa pinili- ito ang yugto ng pagtitimbang ng ating kaisipan sa kung ano ang pinakambuti o pinaka-angkop na paraan.

  • Utos- ito ang magbibigay ng utos na mula mismo sa ating isip para isagawa ang isang kilos na may intensiyon.

  • Pangkaisipang kakayahan ng layunin- ito ay tumutukoy sa pagsasagawa ng utos ng ating kilos-loob na ginagamitan natin ng kakayahan ng pisikal na katawan ng tao.  

KILOS LOOB

  • Nais ng layunin- ito at tumutukoy sa pagsang-ayon ng ating kilos-loob na nais ng tao na may tamang gawa. Pinagagana dito ang isip kung ang ninanais ba ng isa ay nakaayon o may posibilidad.  

  • Intensiyon ng layunin- may koneksyon ito sa pagsang-ayon ng kilos-loob na nagiging intensiyon na magkaroon ng kaisipan ang isa na makuha ang bagay na hinahangad o ninanais.  

  • Paghuhusga sa paraan- ito ay may lakip na pagsang-ayon mismo ng kilos-loob para makamit ang ninanais sa posibleng mga paraan.  

  • Pagpili- tumutukoy ito mismo sa pagpapakita ng malayang pagpapasiya o desisiyon. At ito ang pagpili na kasama mismo ang kilos-loob upang makamit ang isang layunin.  

  • Paggamit- ginagamit dito ang kapangyarihan mismo ng kilos-loob na isagawa ang isang pagkilos.  

  • Bunga- ito ay tumutukoy sa pagtatapos ng kilos na may kaluguran mismo ng ating kilos-loob. Ito rin ay resulta ng ating mga desisiyon.

Magtungo pa sa mga link na ito:

Ang dalawang kategorya na binubuo mismo sa 12 yugto ng makataong kilos: brainly.ph/question/761768

Ang kahulugan ng salitang makataong kilos: brainly.ph/question/236855

#BrainlyEveryday