👤

MAY MGA BAHAGI ANG SANAYSAY
• Panimula ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng
mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa
ang pagbasa sa akda.
• Katawan- sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan
ito ng mga mambabasa.
• Wakas- nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito, hinahamon
ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.
Nabusog ka ba sa mga kaalamang natutunan sa mga naunang gawain? Kung hindi
pa, halina't busugin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga susunod pang gawain. Tara magsimula na tayo!
GAWAIN 2: Basahin, Suriin, Sagutin!
Panuto: Bigyang paliwanag ang bawat katanungang nakalahad sa ibaba batay sa binasang
sanaysay. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano ang paksa ng binasang akda? Ipaliwanag.
2. Anong kaisipan ang lumutang sa akda? Ipaliwanag.
3. Sa sanaysay na iyong binata, ano ang layunin ng may akda?
i