Sagot :
Answer:
C. TREN O BAGON
Explanation:
ANG MARTSA NG KAMATAYAN o DEATH MARCH
Ang tinaguriang Martsa ng Kamatayan na nagpahirap ng buhay ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong nasakop ng mga banyagang Hapon ang bansa.
Ito ay tinuring na isa sa pinaka malalang pagpapahirap sa mga nadakip na sundalo. Sapilitan silang pinaglakad ng humigit kumulang 100 kilometro sa loob ng anim na araw. Ito ay nagsimula sa kanilang base sa Bataan papuntang Pampanga.
Nasa humigit kumulang 70,000 sundalo ang nag umpisang maglakad noong Abril 9 , 1942. Naging mitsa ng kamatayan ng mga ilang sundalo ang pagmamartsang ito sapagkat hindi sila binigyan ng tubig o pagkain at hindi napapasilong sa lilim tuwing tirik ang araw. Pagod, gutom, puyat ang pangunahing naranasan nila na naging sanhi ng pagpanaw ng ilan.
Ang mga sundalong nakaligtas sa pagmamalupit at nakakamatay na sitwasyong ito ay isinakay sa mga tren o bagon patungong Capas, Tarlac.
Taon taon ay ginugunita ay kanilang kabayanihan tuwing sasapit ang ika-9 ang Abril na tinagurian 'Araw ng Kagitingan'.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Death March,
maaari lamang bisitahin ang link na ito: brainly.ph/question/2083919