👤

Bakit ang isang Pilipino at pamilya nito ay nagpapaplano o gustong magmigrasyon sa ibang lugar o bansa? Ano-ano ang mga dahilan at ipaliwanag?


Sagot :

Maraming maaaring maging dahilan ang ating mga kapwa Pilipino upang makabuo ng plano at kagustuhang lumipat at tumira sa ibang bansa. Ilan rito ang mga sumusnod:  

  1. Kahirapan. Isa mga pangunahng dahilan upang mangibang bansa ang ibang mga Pilipino ay ang kahirapan ng buhay. Marami sa atin ang naghahangad ng magandang buhay, magarang bahay, kumpletong pagkain sa araw-araw, magagarang sasakyan at maunlad na negosyo. Mas mataas ang halaga ng pera ng ibang bansa laban sa piso, kaya napipilitan silang maghanap-buhay sa ibang bansa.  
  2. Kumpletong benepisyong pangkalusugan. Ang ibang bansa ay maraming programa patungkol sa iba't ibang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan gaya ng pangkalusugan. Kadalasan ang pagpapaospital ay libre o di kaya'y mababa lamang ang bayarin kumpara dito sa ating bansa.  
  3. Negosyo. Ang iba nating mga kababayan sa ibang bansa ay doon na nakahanap ng negosyo at hanap-buhay, dahilan para doon na nila naising tumira.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa programa ng pamahalaan, basahin ang mga sumusunod:

  • https://brainly.ph/question/9851410
  • https://brainly.ph/question/10260504
  • https://brainly.ph/question/10712137

 

#LetsStudy

Go Training: Other Questions