Sagot :
Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man. Halimbawa: Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
panulubi - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, sana. Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit. Halimbawa: Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
pananhi -nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari. Halimbawa: Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
panapos -nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito. Halimbawa: Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
panlinaw-ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit. Halimbawa: Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
panimbang -ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka, pati, kaya, anupa’t. Halimbawa:Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
pamanggit -gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw/raw, sa ganang akin/iyo, di umano. Halimbawa: Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
panulad -tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino, siyang, kung ano, siya rin, kung gaano siya rin. Halimbawa: Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon.