1. Panuto: Tama o Mali: Isulat ang Tama sa patlang kung wasto ang pahayag at Mall kung hindi wasto. 1. Tulang Pandulaan ang tawag sa tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. 2. Ang talinghaga ay ang mga malalalim na salita 3. May sukat at tugma ang malayang taludturan. 4. Ang epiko ay isang tulang pasalaysay. 5. Ang lipon ng mga salita na binubuo ng dalawa o higit pang taludtod ay saknong 6. Ang tugma ay bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. 7. Ang karagatan at duplo ay nauuri sa mga tulang patnigan. 8. Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, ipinararating sa ating damdamin at ipinahahay sa pananalitang may angking aliw-iw. 9. Sukat ay ang mga linya sa bawat saknong. 10. Itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay na nasa anyo ng tulang liriko. II. Panuto: Piliin sa Hanay B ang uri ng tula ng mga panitikan sa Hanay A. Hanay A 11. Oda 12. Tulagunam (Ballad) 13. Tulang Dulang Liriko-Dramatiko 14. Balagtasan 15. Soneto Hanay B a. Tulang Liriko/Paawit b. Tulang Pandulaan c. Tulang Patnigan d. Tulang Pasalaysay