Answer:
Ang pag-ibig ay isang bagay na maaaring magpaangat at magpabagsak sa atin. Ang paghihinagpis, pagtitiis at kilig ay ilan lamang sa mga emosyong ating madarama sa tuwing tayo’y umiibig. Sa kasalukuyang panahon, narami sa mga kabataan ay madaling umibig. Dala ng modernisasyon at makabagong teknolohiya madali na lamang ang pagkakaroon ng kasintahan o ng mga kasintahan. Ngunit ating tatandaan na kaakibat ng kasiyahan na ating nadarama dulot ng pag-ibig ay kalungkutan at pagtitiis lalo na kung magpapadala sa kapusukan at ninanais.