Sagot :
Answer:
Bilang asawa, ang babae ay dapat maging isang tapat na kabiyak at dapat niyang
pagsilbihan ang kanyang asawa. Sa India, ang itinuring na huwaran na babaing asawa ay si
Sita, asawa ni Prinsepe Rama sa epikong Ramayana.
Si Sita ay naging tapat kay Prinsepe Rama maging nang siya ay mapasakamay
ng hari ng mga unggoy. Sumailalim siya sa pagsubok sa apoy upang patunayan ang
kanyang katapatan at kalinisan sa asawa.
• Suttee o sati - naging kaugalian noon ang pagsama ng babaing asawa sa
funeral pyre ng kanyang asawa bilang pagpapakita ng pagmamahal niya rito.
• Bilang paggalang sa asawang lalaki, ang asawang babae ay kakain lamang
pagkatapos kumain ng kanyang asawa.
• Ang dote na ibinigay ng pamilya ng lalaki ay nagiging pag-aari ng babae at ito
ay maari niyang ipamana sa kanyang mga anak na babae.
CHINA
• Pinakamahalagang tungkulin ng babae ay magluwal ng sanggol lalo na ang
mga sanggol na lalaki.
• Ang pagiging baog ng babae ay maaaring dahilan ng deborsyo.
• Isa pang kaugalian sa China na nagpababa sa antas ng kababaihan ay ang
concubinage o pagkuha ng asawang lalaki ng iba pang babae liban sa kanyang asawa. Ang
concubine ay itinitira ng asawang lalaki sa kanilang bahay. May karapatan ang asawang lalaki
na magkaroon ng maraming concubine.
• Kaunti lamang ang karapatang legal ng asawang babae.
• Footbinding ay sadyang pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki nang
normal. Tinatawag ang ganitong klaseng mga paa na lotus feet o lily feet. Ito ay ginagawa
habang bata pa ang babae. Nagsimula ang kaugaliang ito sa panahon ng dinastiyang Sung.
Ito ay isa itong pamantayan ng kagandahan para sa sinaunang Tsino. Humahanap ang
isang lalaking Tsino ng isang babaing Tsino na may ganitong klaseng paa upang mapangasawa.
Isa ring pagtugon sa kahilingang pang- erotiko ng lalaki ang footbinding sa China. Ang
pagkakaroon ng lotus feet