Sagot :
Answer:
Lipunang Muslim
Sa mga lipunang Muslim, may mga kaugalian na sumasalamin sa mababang antas ng
kababaihan. Ito ang kaugalian ng purdah na ibig sabihin ay belo sa salitang Persian.
Inaasahan ang asawang babae na itago ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng
burka, isang damit na maluwag na may kasamang belo. Layunin ng kaugaliang ito ang ipaalala
na tanging ang kanyang asawang lalaki ang may karapatang makakita sa kanya. Pinagtitibay
ng kaugaliang ito ang pagpoprotekta ng karapatan ng asawang lalaki sa asawang babae.
JAPAN
Bago umiral ang pyudalismo, may karapatan ang parehong anak na babae at lalaki na
magmana ng ari-arian ng kanilang mga magulang. Ngunit naglaho ang kaugalian na ito
noong panahon ng Kamakura at Ashikaga Shogunate.
Negatibo ang tingin ng lipunan sa babae. Pinaniniwalaan sa Japan na may limang
kahinaan ang babae. Ito ay ang pagiging hindi masunurin, madaling magalit, masama ang
bibig, madaling magselos at mahina ang ulo.
Sa pagpasok ng ideolohiyang sosyalismo sa China sa ika-20 siglo, itinuring na pantay
ang babae at lalaki at mariing ipinagbawal ang kaugalian ng footbinding. Tanda ng
pagkamulat ng mga Tsino sa pantay na tingin sa babae ay ang kanilang kasabihan na ang
babae ay sumasagisag sa kalahati ng langit. Sa madaling sabi, hindi buo ang langit kung
walang babae.
Isinasalamin din ito ng mga element ng yin at yang sa Taoism. Tandaan na sinasagisag
ng elementong babae ang yin at ng elementong lalaki ang yang. Aktibo ang elemento ng
yang at sinasagisag nito ang langit, liwanag, mga bilang na walang pares, at linyang hindi
napuputol. Samantalang sinasagisag naman ng yin ang hindi aktibong element tulad ng lupa,
dilim at ang bilang na may pares at putol-putol na linya. Ayon sa Taoism, hangad ng
dalawang elementong ito na magtamo ng isang balanseng sitwasyon. Patunay ito na sa harap
ng maraming balakid ng kababaihan, may pagkilala pa rin sa kanilang kahalagahan sa
tradisyunal na Asya.
Explanation: