A. PANUTO: Tukuyin ang mga salitang binibigyang kahulugan ng mga pangungusap sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ng angkop na sagot. A. Panuto B. Pasakali C. Pawatas D. Paturo! E. Pautos F. Pandiwa
1. Ito ay anyo ng Panagano ng Pandiwa na binubuo ng panlapi at salitang-ugat, walang panahon.
2. Ito ay walang kaibahan sa paturol nguni't ginagamitan lagi ng mga pangatnig o pang-abay upang maipahayag ang kalagayang pasubali.
3. Tawag sa mga tagubilin sa pagsasagawa ng inuutos na gawain.
4. Ito ay ginagamit sa pagsasaad ng isang pahayag isang anyo din ito ng Panagano ng Pandiwa .
5. Ito ay Panagano ng Pandiwa, tiyak na panahon at ginagamit sa pag-uutos o pakiusap