Sagot :
answer:
Maraming salamat, Secretary Nitoy Roque sa iyong pagpakilala.
Ating mga iba’t-ibang opisyal ng pamahalaan na tumutulong sa ating mga bumabalik na expatriate Filipino workers; ating mga manggagawang bumabalik.
Ang pagtulong ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa na nangangailangan ng suporta ng pamahalaan ay patakarang di lalabagin ng ating pamahalaan. Kahit kailan, ‘di tayo tumatalikod na gawin ang lahat ng makakaya upang matulungan ang expatriate Filipino workers na dumaranas ng hirap.
Sa ngayong mga sumusubok na panahong para sa expatriate Filipino worker, hindi dapat nagpapabaya ang pamahalaan. Dapat suklian ang ating expatriate Filipino workers sa kabayanihang ipinapakita nila. Moral na tungkulin ng pamahalaan at inisyatiba ng patakaran ang mabilisang pagtugon sa agarang pangangailangan nila.
Sa ngayon, it is only a trickle of our overseas Filipino workers or expatriate Filipino workers that have lost their jobs because of the world financial crisis. In fact, some of these have already found new jobs. We have 200 Filipino workers on shipping companies coming back but they have left again or are leaving again because they have found new employment.
Nakikipagtulong tayo ngayon sa ilan, 100 plus, na nawalaan ng trabaho doon sa Taiwan upang mabigyan ng mga sumusunod na tulong. Nandito ang ating presidente ng PhilHealth dahil binibigyan sila ng PhilHealth card para sa medical insurance. Nandito ang vice president ng SSS dahil nagbibigay rin tayo ng SSS cards. At nandito ang ating chairman and director general ng TESDA, si Buboy Syjuco, na malaking-malaki ang approval rating, second to the highest, only a few points behind the highest sa TESDA. Congratulations, Buboy! At ang kanyang dala, na nandoon sa baskets ninyo, ay scholarship mula sa TESDA upang magkamit kayo ng bagong kasanayan at mahahasa ang inyong kagalingan, at nang maaari kayong makipagsabayan saan man sa mundo.
Ngayon yung mga tseke na binigay natin ay tseke para lang bayaran yung mga materials ng TRC — nandito naman yung ating head ng TRC na magbibigay ng ensayo sa inyo. Hindi pa ito yung livelihood, iba pa ang livelihood check, at yun naman pagkatapos ay ia-assess kung ano ang balak niyong gawin para ganun matulungan kayo sa inyong bagong livelihood. At yung tsekeng yun, yung susunod na tseke, yun ang magagamit sa pagsimula ng mga gustong magnegosyo sa ilalim ng ating Emergency Livelihood Program.
Ang mga ito ay nagsisilbing programa na nagbibigay ng panandaliang tulong sa mga expatriate Filipino workers na nawalan ng trabaho. Napakahalaga ng nai-ambag ninyo sa ating bansa, kaya’t nararapat lang na maibigay sa inyo ang buo at walang alinlanang suporta ng pamahalaan. Habang isinasagawa natin ang mabilisang pagresponde sa inyong agarang pangangailangan, nagtatrabaho tayo sa mga patakarang mas malaki at may mas malawak na sinasakupan upang tulungan ang ating mga bagong bayani.
Mag-iiral tayo ng buong programang pagtanaw ng utang na loob sa expatriate Filipino workers para tulungan yung mga napipilitang umuwi dahil ang mga bansa kung saan nagtatrabaho ay kasalukuyang hinahagupit sa krisis sa ekonomiya na ang tindi at sakop ay hindi pa maarok.
Ang Department of Labor and Employment at ang OWWA ang mangunguna sa pagpapatupad nitong payback program ng gobyerno para sa mga expatriate Filipino workers. Ang unang bahagi nitong programang pagsusukli ay ang pagtatag ng Filipino Expatriate Livelihood Support Fund sa halagang 250 million pesos mula sa OWWA at kung kailangan suportado ng mga ahensiya ng gobyerno na magpapahiram ng pera. Ang mga expatriate Filipino workers na nawalan ng trabaho ay makakakuha sa pondong ito — pautang para tumulong sa pagsisimula ng negosyo, pagpapatuloy ng pag-aaral o pagkamit ng kasanayan, o sa panimulang kapital sa anumang gawaing pangkabuhayan.
Dapat gawin agad ng DOLE ang Implementing Guidelines.