Sagot :
Answer:
Gobernador-Heneral- Ipinapatupad niya ang lahat ng batas at kautusang nagmula sa Espanya.
Pinangasiwaan niya ang lahat ng opisina ng pamahalaan sa buong kolonya.
Siya ang pumili at nagtalaga ng mga opisina s kolonya na hindi itinalaga ng Hari.
Real Audiencia/Audiencia Real- Pinakamataas na hukuman
Lumilitis ng mga kaso
Arsobispo- Ang arsobispo ay itinalaga ng Hari ng Espanya.
Magkapantay ang kapangyarihan niya ng gobernado-heneral
Magkatulong silang dalawa sa pamamahala at pagpapalaganp ng relihiyong Kristiyanismo
Corregidor- Siya ang nangasiwa sa pagpapasuko sa mga katutubong mamamayan na ayaw mapasailalim sa Espanya.
Alkalde Mayor- Namumuno sa lalawigan
Ipatupad ang mga utos at patakaran ng gobernador-heneral
Siya ang namamahala sa mga pagawaing-bayan sa lalawigan
Alkalde- Namumuno sa lungsod
Nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan
Nagpapatupad ng kautusan mula sa gobernador-heneral
Obispo- Nagtuturo ng relihiyong Kristiyanismo
Nakalaan na ministro sa simbahan
Gobernadorcillo- Namumuno sa bayan
Ang mga gobernadorcillo ay ang mga dating datu, rajah, at iba paqng maharlika na binigyan ng karapatang mamahala sa mga bayan.
Kura Paroko- Nagtuturo rin ng relihiyong Kristiyanismo sa bawat bayan
Cabeza de Barangay- Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng cabeza de barangay.
Siya ay isang pinunong katutubo katulad ng gobernadorcillo
Pangunahing tungkulin niya ay pangongolekta ng buwis