👤

6. Ito ay isa sa mga natuklasan ng mga Tsino na ginagamit sa mga sasakyang pandagat na
nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay
A kompas B mapa C Global Positioning System (GPS) D. astrolabe
7. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa Kung walang tradisyunal na kultura, walang
makabagong kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura
mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong
mahalagang haligi ng bansa
D. Dapat pahalagahan ang kultura ng bansa
8. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng kaisipan, karanasan,
mithiin, paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga sa sibilisasyon
A Agham B. Arkitektura C Kalikasan D. Wika
9. Nakilala ang mga Asyano sa kanilang mga sining na nagsasalarawan ng pangunahing paksa
tulad ng
A Ispiritwalidad tungo sa kabanalan ng mga nilikha sa daigdig
B. Matotohanang larawan ng bagay sa paligid na ating nakikita
C. Mga damit, pagkain at mga makamundong bagay
D. Pisikal na anyo tulad ng pigura at katawan ng tao
10. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pagkakaroon ng wika MALIBAN sa isa,
A maipahayag ng mga tao ang kanilang kaisipan
B magkakaunawaan ang isa't-isa
C. mas maging epektibo ang komunikasyon
D. maging susi ito para makapanira ng ibang tao​