Sagot :
Answer:
Malakas ang tema ng pag-ibig na naging sentro ng kuwento. Bukod rito, ipinapakita ng Alamat Ng Bulkang Mayon na dapat marunong ring magparaya kung ang isang tao ay hindi para sa iyoIsa pang aral na makukuha ay dapat huwag kang maging pusong bato. May pagkakataon talagang kailangang tanggapin na ayaw sa iyo ng isang tao. Kaya dapat, tanggapin ito ng maluwag sa kalooban.
Kapag ikaw ay nasaktan dahil sa pagmamahal, kailangan mo lamang hilingin sa Diyos na sana dumating ang tamang panahon na makikita mo ang taong para sa iyo. Ito ay dahil alam ng Diyos ang tna merong tamang pagkakataon at tao na nararapat sa iyong pagmamahal.
Bukod sa lahat, ang isa sa pinakamahalagang aral na makukuha sa kuwento ay ang pagiging kontento sa kung anong meron ka. Ito ay dahil ang buhay natin ay puno ng mga bagay-bagay na makaka akit sa atin. Subalit, kailangan nating malaman na dapat hindi tayo mainggit sa kung anong wala sa atin.