4 Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao? A Pahalagahan ang tao bilang tao hangga't siya ay nabubuhay B ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito. D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at Pagpapahalaga 5. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa? A Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba 6. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidadng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay: A Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan. B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao. D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan. 7. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao? A. Kapag siya ay naging masamang tao B. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao D. Wala sa nabanggit