Panuto. Isulat ang T kung katotohanan at M kung walang katotohanan ang sumusunod na pangungusap. 1. Kinatakutan ng mga misyonerong prayle 'sa Cordillera ang tradisyong pangangayaw ng mga Igorot. 2. Sinunod ng mga Igorot ang patakaran ng monopolyo ng tabako. 3. Sa pamumuno ni Magalat ay inilunsad ang kauna-unahang jihad. 4. Nilisan ng mga Espanyol ang Mindanao dahil sa jihad. 5. Nagkaroon ng magkaibang interpretasyon ang dalawang panig sa kasunduang Muslim at Espanyol. 6. Matagumpay na napalaganap ang Kristiyanismo 'sa mga Katutubong Igorot. 7. Tuluyang nabura ang sinaunang tradisyon at kultura ng mga Filipino dahil sa mahigit na tatlongdaan taon ang kolonyalismong Espanyol 8. Noong 1596 namuno si Magalat sa isang pag-aalsa dahil sa pagpapataw ng mataas na buwis at pang-aabuso ng mga Encomendero sa Cagayan. 9. Magkakaiba ang naging tugon ng mga katutubo sa tangkang pagsakop ng mga Espanyol. _10. Tumagal nang walong taon ang pag-aalsa ni Magalat.