Answer:
Ang Kodigo ni Hammurabi o Code of Hammurabi ay isang batas kodigo na nilikha noong ca 1772 BCE (gitnang kronolohiya) sa sinaunang Babilonya ng ikaanim na hari ng Babilonyang si Hammurabi.[2] Iisa lamang ang halimbawa ng Kodigo ang nananatili at nasagip sa kasalukuyan, na nakaukit sa isang pitong talampakan, apat na pulgada ang habang basalto[3][4] na nasa wikang Akkadian na nasa panitik na kuneiporma.
Stele ng Kodigo ni Hammurabi na nagpapakita kay Hammurabi na direktang tumatanggap ng mga batas mula sa Diyos na si Shamash.[1] Ang isang pauna sa kodigo ni Hammurabi ay nagsasaad na pinili si Hammurabi ng mga Diyos ng kanyang mga tao upang magdala ng mga batas sa kanila. Louvre Museum, Paris
Ang Kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at isinulat sa isang stela at inilagay sa lugar na pampubliko upang mabasa ng lahat. Ang stela na ito ay kalaunang kinuha ng mga taga-Elam at inalis sa kabisera nitong Susa. Ito ay muling natuklasan noong 1901 at nakalagak ngayon sa Louvre Museum sa Paris. Ito ay naglalaman ng 282 batas na isinulat ng mga skriba sa 12 tableta. Hindi tulad ng mas maagang mga batas, ito ay isinulat sa wikang Akkadian na pang-araw araw na wika ng Babilonya at kaya ay mababasa ng sinumang nakakabasang tao sa siyudad. Sinasabing ang mga kaparusahan nito ay napakabagsik sa mga modernong pamantayan na ang maraming mga kasalanan ay nagreresulta sa kamatayan, pananakit o paggamit ng pilosopiyang "mata sa mata". Ang kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakamaagang halimbawa ng ideya ng pagpapalagay ng pagiging inosente ng nagkasala at ang akusado at nag-akusa ay may pagkakataon na magpakita ng ebidensiya. Ikinatwiran ni David P. Wright na ang mga batas ng Hudaismo o kautusan ni Moises ay gumamit sa kodigo ni Hammurabi bilang isang modelo na gumagaya sa istruktura at nilalaman nito
Explanation:
sana makatulong
pa brainliest salamat