Panuto: Ayusin ang mga pangyayari tungkol sa pananakop ng mga Hapones sa ating bansa. Lagyan ng bilang mula 1 hanggang 10 upang maisaayos Ang mga it ayon sa wastong pagkasunod sunod .
___ Binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor.
___Ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang laban bilang gerilya.
___Binomba at pinasok ng mga Hapones ang iba't-ibang lalawigan sa Pilipinas.
___Nagkunwari ang mga Hapones bilang mga mangangalakal upang makapasok sa Pilipinas.
___Inilikas ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Pamahalaang Commonwealth sa Amerika.
___Hindi pumayag ang mga Pilipino na makipagkalakalan sa mga Hapones dahil nagsuspetsa sila sa tunay na layunin nito.
___Matapos ang madugong labanan, napilitang isuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang Bataan.
___Bumagsak ang Corregidor sa mga Hapones at tuluyang napasailalim ang bansa sa kamay ng mga Hapones.
___Pinalakad ng mga sundalong Hapones ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Death March mula sa Bataan hanggang Tarlac.
___Inanyayahan ng mga Hapones ang mga Pilipino na makiisa sa kanilang Programang Sama-Samang kasaganaan sa Kalakhang Silangang Asya.