Sagot :
Makakatulong sa mga tao ang wastong pangangalaga sa kalikasan dahil dito nagmumula ang kanilang kabuhayan. Ibinibigay ng kalikasan ang pagkain ng mga tao tulad ng karne, gulay at prutas. Sa gubat o bundok makukuha ng tao ang mga kahoy na ginagamit na materyales sa pagtatayo ng bahay.Ang malinis na hangin sa kapaligiran ay mahalaga para tayo ay huminga ng maayos at malayo sa mga sakit. Ang pagtatanim ng halaman o puno ay malaki ang maitutulong para mabawasan ang pag-init ng lupa o global warming.
Pangangalaga sa Kalikasan
Ang mga sumusunod na gawain ay nagpapakita ng wastong pangangalaga sa kalikasan:
- Tamang pagtatapon at paghihiwalay ng basura.
- Pagtatanim ng mga puno.
- Itigil ang illegal na minahan.
- Itigil ang pang-aabuso sa mga hayop para sa negosyo.
Epekto ng Pagkasira ng Kalikasan
Ang mga sumusunod ay mga epekto ng pagkasira ng kalikasan:
- Malalang global warming.
- Polusyon sa hangin at tubig.
- Paglaganap ng mga sakit.
Karagdagang kaalaman:
Pangangalaga sa kalikasan: https://brainly.ph/question/2670069
Pangangalaga sa kalikasan slogan: https://brainly.ph/question/2499288
#LetsStudy