Basahin ang talata at pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. Naniniwala ang mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon. Para sa kanila ito ang daan para sa minimithing pag-unlad at kasaganahan. Pinagsisikapan ng bawat magulang na mapagtapos ng kanilang mga anak. Likas na sa mga batang Pilipino ang magalang na pagsunod sa kanilang magulan, kaya sila ay nagsusumikap sa kanilang pag-aral. Alam ng kabataan na ang pagtatapos at pagtanggap ng diploma sa pag-aaral ay bagay na makakabuti sa kanila at makapagpapasaya sa kanilang magulang. 1. Ano ang magandang pamagat sa talatang inyong binasa? A. Paniniwala ng Pilipino B. Kahalagahan ng Edukasyon sa mga Pilipino D. Edukasyon para sa Lahat C. Diploma para sa Magulang 2. Bakit mahalaga ang edukasyon ayon sa talata? A. Ito ay para yumaman ang isang tao B. Nakapagpapasaya sa tao C. Magiging masagana ang buhay ng tao, maraming pagkain sa lamesa. D. Daan sa minimithing pag-unlad at kasaganahan 3. Kung mahalaga ang edukasyon, ano ang gagawin mo para makatapos at makuha ang diplomang inaasam? A. Ipapagawa ko kay nanay ang aking mga takda para siguradong tama. B. Bibili ako ng magandang gadget. C. Kakaibiganin ko ang pinaka matalinong kaklase, para sa kaniya ako kokopya lagi. D. Gagawin ko ang lahat ng aking takda at proyekto. PAGPAPAKLALA NO ARALIN Unang wala Pagpapakilala ng Aralin