A. Basahin mo ng malakas ang sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin kung ano ang salitang naglalarawan. Isulat mo ito sa iyong sagutang papel. 1. Ang mga mag-aaral ni Bb. Ramos ay tahimik. 2. Si Almira ay isang batang masunurin lalo na sa mga nakakatanda. 3. Si Ruby ay isang masipag na mag-aaral sa ika-apat na baitang. 4. Ang mga bulaklak ni Aira sa kanyang hardin ay makukulay. 5. Mahusay sumayaw si Nina kaya siya ang napiling ipanlaban sa paligsahan sa paaralan.