Sagot :
Answer:
Noon maganda at malinis ang ating kapaligiran, sariwa ang hangin, malinis ang katubigan, hindi pa kalbo ang mga bundok at walang mga basurang nakakalat. pero sa pagdaan ng panahon ang malinis at maganda nating kapaligiran ay napalitan ng dumi, ito ay dahil sa polusyon.
Mga Sanhi
Ang nangungunang sanhi ng polusyon sa hangin ay galing sa usok ng mga pabrika, mga sasakyan na siyang unti unting sumisira sa kalikasan. Na ang naging epekto nito sa inang kalikasan ay ang malawakang pagkasira, na kung saan nararamdaman na natin ang pagtama ng ibat ibang uri ng kalamidad, gaya ng bagyo at mga pagbaha na siyang lalong nagpapahirap sa kalagayan ng mamamayan, kung ating balikang tanaw ang ang mga ito, tao lang rin pala ang gumagawa at sumisira ng inang kalikasan. Ang pagsusunog, paggamit ng mga kemikal na may masamang epekto sa hangin, pati na sa kalusugan ng mga tao. Ang polusyon sa tubig ay sanhi ng mga kemikal na naitapon sa mga katubigang bahagi na siyang nakakasira ng mga lamang dagat, kaya naibalita ang nasasabing red tide, at iba pang mga epekto ng polusyon sa tubig, kaya kung ngayon palang tayong mga bagong tubo, dapat na bigyang pansin natin ang mga kalamidad at ang pagkasira ng ating kalikasan, habang maaga pa dapat na pakaingatan at pangalagaan natin ang ating kalikasan ng sa gayoy maagapan pa ang pagkasira nito.
Explanation: