Sagot :
Answer:
"PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946"
Nang humingi ng tulong ang Pilipinas sa US matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naghain ng panukalang batas si US Senator Millard Tydings, isa sa mga nagtaguyod ng "Tydings-McDuffie Act". Ito ang batas para sa rehabilitasyon o pagbabagong-tatag ng Pilipinas, ang "Philippine Rehabilitation Act of 1946".
Ayon sa PH Rehabilitation Act of 1946, bibigyan ng US ang Pilipinas ng tulong na $620M para sa pag-aayos ng mga nasira sa digmaan. Ngunit ang batas na ito ay may kakabit sa isa pang batas. Hindi magbibigay ang US ng tulong sa Pilipinas kung hindi tatanggapin ng pamahalaan ng Pilipinas ang "Bell Trade Act", ang panukalang batas na inihain ni US Rep. Jasper Bell sa House of Representatives ng US Congress na...
Nagpapatuloy sa malayang kalakalan ng US at Pilipinas hanggang 1954.
Ang piso ng PH ay matatali sa dolyar ng US.
Hindi maaaring pagbawalan ng Pilipinas ang paglipat ng pera mula sa Pilipinas patungo sa US; at
Babaguhin ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 upang bigyan ng parity rights o pantay na karapatan ang mga mamamayang Amerikano at Pilipino sa paggalugad, pagpapaunlad at paggamit ng lahat ng lupang pang-agrikultura at iba pa.
at kasama sa "Bell Trade Act" ang pagbabago sa Saligang Batas ng Pilipinas upang maisama ang parity rights dito.
#Carryonlearning #Markmeasbrainliest
#PRA #PhillippineRehabilitationActOf1946