👤

anyo ng pantikan mga katangian at halimbawa​

Sagot :

Anyo ng Panitikan:

  • Pagsalin-dila
  • Pagsulat
  • Pagsalintroniko

Katangian ng Panitikan:

  • Ang panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba't-ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan ,sa lipunan at sa kugnayan ang kanilang kaluluwa sa dakilang lumikha.

Narito ang mga halimbawa ng Panitikan at ang kahulugan nito:

  • Anekdota – ito ay maikling salaysay na nagtatalakay ng pangyayari sa buhay ng tao.

  • Nobela – ito ay mahabang panulat na may maraming kabanata at nagtatalakay sa isang kwento at mga sangay nito.

  • Pabula – ito ay mga maikling kwento na ang mga tauhan ay mga hayop at nagtuturo ng leksyon sa mga mambabasa.

  • Parabula – ito ay mga maikling kwento na kadalasan ay may pagkakapareha sa mga kwento sa Bibliya.

  • Alamat – ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay kadalasang piksyon.

  • Maikling Kwento – ito ay ang mga kwentong mapupulutan ng aral.

  • Dula – ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at kadalasan ay marami itong yugto.

  • Sanaysay – ito ay kadalasan naglalaman ng mga personal na paningin ng may-akda sa mga bagay-bagay.

  • Talambuhay – ito ay nagsasaad tungkol sa buhay ng isang tao, kanyang mga naging karanasan, at iba pang detalye tungkol sa kanya.

  • Kwenton Bayan – ito ay mga likhang-isip na ang mga tauhan sa kwento ay kumakatawan sa mga uri ng tao.

  • Balita – ito ay ang komunikasyon na ang layunin ay ihatid sa mga mamamayan ang mga nangyayari sa bansa.

  • Talumpati – ito ay isang panulat na pagpapahayag ng opinyon o mensahe ng isang tao ukol sa isang bagay o pangyayari. Ito ay ipinapahayag sa ibabaw ng establado.

I HOPE IT CAN HELP ^_^

#KEEP ON LEARNING

#Stay safe at home