Panuto: Ang sulating di-pormal sa ibaba ay hindi maayos ang pagkakasulat. Ayusin ito ayon tamang pagkasuno-sunod ng mga kaisipan o ideya. Isulat ang wastong pagkakasulat nito sa inyong kuwaderno. Mga Bata Noon at Ngayon Ni Leonida C. Bagalla Pumupunta rin kami sa ilog upang magtampisaw sa malinaw na tubig, tutuntong kami sa mga bato tapos tatalon sa tubig. Nakakatuwa ding magkarera sa paglangoy. Nakul kung naranasan mo ito, napakasaya sa pakiramdam. Ilan lamang ang mga ito sa alaala ng aking kabataan. Ngayon, ano ba ang pinagkakaabalahan ng mga bata, kung hindi sila nanonood ng telebisyon ay naglalaro ella sa kanilang selpon, laptop o di kaya ay sa kanilang tablet. Ni hindi nila maranasang maghabulan sa ilalim ng maliwanag na buwan o di kaya ay umakyat sa punong hitik ng mga bunga. Hindi rin sila makakalangoy sa malinaw na tubig kundi sa naipong baha na kalsada na walang kasing dumi. Paana na kaya ang mga susunod na henerasyon? May makikita pa kaya silang ilog at puno, o magkakasya na lang ella sa mga litrato? Sino sa inyo ang nakaranas na maglaro sa ilalim ng maliwanag na buwan? Isa ito sa mga namimiss kong gawin dahil noong bata pa ako ay naglalaro kami ng taguan, habulan, patintero at kung ano-ano pang larong maisipang gawin kapag maliwanag ang buwan. Kapag araw naman ay pupunta sa bukid upang maghanap ng mga hinog na 7