👤

Pre-lest
PANUTO: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
___1. Isang uri ito ng salitang ginagamit na pantawag sa tao, hayop, bagay, pook o kalidad.
A. panghalip B. pangngalan C. pandiwa
D. pang-uri
___2. Salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan.
A. pang-uri B. pang-abay C. panghalip D. pandiwa
___3. Salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.
A. pang-uri B. pangatnig
C. pangngalan D. pandiwa
___4. Salitang nagpapahayag ng kilos, karanasan, pangyayari o kondisyon.
A. pang-abay B. pandiwa
C. pang-uri D. pangatnig
___5. Salitang naglalarawan o nagdadagdag sa kahulugan ng pandiwa, pang-uri o pang-abay.
A. panghalip B. pangatnig
C. pang-abay D. pang-uri
___6. Salitang ginagamit upang pagdugtungin ang iba pang salita.
A. pangatnig B. pangngalan C. pang-uri D. panghalip
___7. Grupo ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa.
A. parirala B. pangungusap C. sugnay
D. talata
___8. Uri ng pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa.
A. payak
B. tambalan
C. hugnayan D. batayan
___9. Isang uri ito ng pangungusap na binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at pinagdurugtong ng pangatnig.
A. payak
B. tambalan
C. hugnayan D. batayan
___10. Isang uri ng pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay (clause) na di
makapag-iisa. Ang mga sugnay ay pinagdurugtong ng pangatnig.
A. payak
B. tambalan
C. hugnayan D. simple​