Sagot :
Answer:
Ang awit ay isang uri ng literaturang Pilipino na kung saan ang bawat taludtod o linya ay naglalayong magsaad ng isang kwento, karanasan, aral, o pagmamahal sa isang tao, bagay, o hayop. Ito ay nilalapatan ng himig at tunog upang mas maging kaaaya ayang pakinggan o basahin.
Ang tawag sa taong kumakanta ng isang awit ay mang aawit, samantalang ang tawag sa isang naisulat o nagawang awit ay awitin. Ito rin ay isang uri ng tula na may layuning magsalaysay, at karaniwang binubuo ng apat o higit pang linya sa bawat taludtod. Karaniwan, ito ay binubuo ng tig 12 na pantig at mayroong tugmaan sa bandang dulo.
Mga paksa sa isang awit o awitin
Ang mga sumusunod ay ang mga madalas na gamiting paksa sa paggawa o pagsulat ng isang awit o awitin
Pag ibig sa isang mahalagang tao
Pag ibig sa kasintahan o magulang
Pagmamahal sa bayan
Alamat
Relihiyon
Karanasan
Kwento
Pakikipagsapalaran
Layunin ng awit o awitin
Ang mga sumusunod ay ang mga layunin na mayroon ang isang taga sulat o gawa ng isang awit o awitin:
Maglahad ng karanasan
Mang aliw sa ibang tao
Ipakita ang pagmamahal ng magkasintahan
Ipahayag ang pag ibig sa magulang o bayan
Ikwento ang pag ibig na mayroon para sa bayan
Mga halimbawa ng awit
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa ng awit:
Florante at Laura na isinulat ni Francisco Balagtas
Buhay ni Segismundo na isinulat ni Eulogio Juan de Tandiona
Doce Pares na Kaharian ng Francia na isinulat ni Jose dela Cruz
Salita at Buhay na isinulat ni Mariang Alimango
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa awit:
Mga halimbawa ng awiting panrelihiyon: brainly.ph/question/64040
Mga halimbawa ng awiting panunudyo o pang uuyam: brainly.ph/question/487630
Ano ang kahulugan ng awit at halimbawa ng awiting bayan: brainly.ph/question/822267
Explanation: