Sagot :
Answer:
1.Si Raha Lakandula (1503 - 1575), ay kilala bilang "Ang Dakilang Raha ng Tondo". Siya ang bukod tanging may prebilehiyo nang hindi pagbabayad ng buwis at pagiging malaya sa paghahanap-buhay.
2.Si Magat Salamat (1550-1595)ay ang prinsipe ng Kaharian ng Tondo at ang pangalawang anak ni Raha Lakandula. Ipinagpatuloy niya ang pag-aalsa na sinimulan ni Raha Lakandula ang kanyang ama ang himagsikan laban sa mga Kastila.
3.Pinamunuan ni Francisco Dagohoy o si Francisco Sendrijas sa totoong buhay, ang may pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy nang tanggihan ng kura paroko na si Gaspar Morales na bigyan ng Kristyanong libing ang kanyang kapatid na namatay.
4.Si Diego Silang y Andaya (Disyembre 16, 1730 – Mayo 28, 1763) ay isang Pilipinong rebulosyunaryong pinuno na nakippagsabuwatan sa mga puwersang Britanyo upang patalsikin ang pamamahalang Kastila sa hilagaing Pilipinas. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.
5.Kilalá si Apolinario de la Cruz (A·po·li·nár·yo de la Krus) sa bansag na “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José. Pinamununan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Español na nakabatay sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Español at Indio sa kaparian.
Explanation:
Hope it helps