Sagot :
Answer:
Alamat Ng Panay
Noong unang panahon sa isang malaking pulo mayroong isang binata ang naninirahan dito ang tawag sa kanya ng mga tao ay taga ilog. Isang araw may isang matandang lalaki ang nakituloy sa kanya. Agad niya itong pinatuloy sa kanyang bahay. Masaya ang binata sapagkat mayroon na siyang makakasama. Kanyang pinag-silbihan ang matanda dahil dito ang matanda ay humanga sa angking kabaitan ng binata. Kung kaya ang matanda ay nagturo sa binata ng iba pang aral at pangaral dito na kanyang ginamit sa kanyang pang araw-araw na buhay. Binigyan niya ito ng pangalang Irog. Magmula nga noon ang binata ay naging malikhain na, maraming mga bagay siyang nagagawa. Isang gabi sa kanyang pagtulog sa kanyang bahay kubo sa gitna ng ilog hindi niya namalayan ang kanyang kubo pala ay unti-unting umuusad. Sapagkat ito ay itinutulak ng mga isda at ang mga ibon naman ay nakapaligid naman sa kanya. Tanghali ng ng siya ay magising mayroong mga gulay at prutas na nakahain na ibinigay ng mga ibon sa kanya. Ang kanyang kubo ay napadpad sa napakagandang batis. Isang umaga mayroong grupo ng mga dilag ang kanyang nakita na naliligo sa ilog. Naakit si Irog na damputin ang isa sa mga pakpak kung kaya ng matapos maligo ang mga dalaga ang isa sa mga ito ay hindi nakapagsuot ng pakpak. Iniwan ito ng mga kasama at ang dalaga ay nag-iiyak. Lumapit si Irog sa dalaga at humingi ng paumanhin dito. At nagsabi dito na kung papayag itong maging kabiyak at kasama niya. Ang dalaga ay pumayag sa kanya sa isang kondisyong hindi siya maaring mag-uwi sa bahay ng hayop na mabilis lumipad. Sapagkat kapag ginawa niya iyon siya ay lilisan dito. Nagkasundo ang dalawa. Tinawag ni Irog na Giliw ang kanyang kabiyak. Ang dalawa ay biniyayaan ng dalawang anak pagkaraan ng ilang taon. Si Ligaya ay lumaking mabait at masunurin sa kanyang mga magulang. Si Tagumpay ay isang mabait at masipag din. Siya ay magiliwin din sa hayop kung kaya ng minsan habang siya ay namamahinga may isang ibon na dumapo sa kanya, agad niya itong hinuli at dinala sa kanilang bahay. Tuwang tuwa ang kanyang kapatid na si Ligaya at kanila itong ipinakita sa kanilang ina. Sinabi nito sa ina na napakaganda ng ibon at ito nga ay sumagot na ma luha sa mga mata “Oo iyan si Panay ang aming panginoon.” at agad na pumunta sa silid si Giliw. Agad nitong kinuha ang kanyang pakpak at agad na lumipad palayo. Sa pagdating ni Irog malungkot na ibinalita ng magkapatid ang pangyayari. Magmula nga noon naging malungkutin na si Irog. Madalas siyang pumunta sa batis sa pag-babakasakaling makita ang kanyang minamahal na si Giliw. Ang batis kung saan nagmula ang magndang kasaysayan ng kanilang pag-ibig. Dito nagmula ang tawag sa Panay o Iloilo. hope it helps.
please make it brainliest tnx.