Sagot :
Answer:
Palagi nating napanonod sa telebisyon o di kaya ay marinig sa radio ang mga
balita tungkol sa ating mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Kapag narinig mo
ang pahayag na ito, naaapektuhan ka ba? May ka pamilya ka ba na nasa ibang
bansa? Ikaw ay nangangarap rin bang magtrabaho sa ibang bansa?
O anong sarap sanang mangibang bansa. Dahil uunlad ang ating buhay o
katayuan sa pamumuhay. Subalit kung ito ay may magandang dulot, ito rin ay
masamang epekto. At ang unang maaapektuhan nito ay ang pamilyang Pilipino.
Masarap pa rin kayang mangarap na mangibang bansa?
Bakit ba nangingibang bansa ang mga Pilipino? Ano-ano ang kalagyan ng ating
mga manggagawa sa kanilang pangingibang bansa? Ano ang mga dahilan ng iba’tibang suliranin nsa paggawa dulot ng globalisasyon, ang implikasyon nito sa
pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, at ano ang maaaring mga
mungkahi upang malutas ang iba’t-ibang suliranin sa paggawa. Ito ang mga
katanungan na ating mahaharap sa ating pag-aaral tungkol sa paggawa dulot ng
globalisasyon.
Ang iyong mahalagang kaalaman mula sa nakaraang aralin: tungkol sa
konsepto ng Globalisasyon ay makatutulong sa mas malalim na pag-unawa at
pagbibigay pansin sa araling ito.
Sa araling ito, ating tutuklasin ang mga dahilan ng pagkakatron ng iba’t-iang
suliranin sa paggawa dulot ng globalisasyon, implikasyon ng iba’t-ibang suliranin sa
paggawa sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, mga mungkahi
upang malutas ang iba’t-ibang suliraning sa paggawa. Inaasahang sa pamamagitan
ng mga gawain, babasahin, interactive activities sa modyul na ito, iyong masasagot
ang mahalagang tanong na: Paano nakakamit ang isang matatag at
nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng
migrasyon na dulot ng globalisasyon?
Kaugnay nito laging isaisip, hanapin at tandaan ang mga sagot sa ating
pangunahing katanungan
Explanation: