Sagot :
Answer:
here po ^^
Explanation:
Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang Himpilang O’Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw
Answer:
Ang Bataan Death March ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Filipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang Himpilang O’Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw.
Explanation:
Ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan o Death March ay ang pagpapalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga ng wala sa kanilang pinakain o pinainom, kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan. Walang awa silang pinagpapapalo kapag nagpapahinga. Napilitan ang mga sundalong ito na inumin ang tubig sa imburnal dahil sa matinding pagkauhaw at pagkagutom.
Ang mga sundalong bihag kasama na ang mga maysakit at sugatan ay may bilang na 36,000. May limang libo ang mga namatay sa sakit, sugat o kaya'y pinatay sa saksak ng bayonet habang lumalakad ng walang pahinga, pagkain, at tubig. Marami sa kanila ang tumakas, ang mga nahuling tumakas ay pinagbababaril. Ngunit may mga nabuhay parin pagkatapos pag-babarilin at sila ay pumunta sa ibat-ibang lalawigan.
Sa ilalim ng init ng araw, gutom, kahinaan, at sakit na nadarama ng mga sundalong USAFFE na kagagaling sa digmaan, sila ay pinagmartsa ng mga malulupit na sundalong Hapones mula sa Mariveles, Bataan patungo sa kampo ng San Fernando, Pampanga. Ang ganitong kalagayan ay hindi malilimutan ng marami nating kababayan na nagpakita ng pagmamahal sa ating bayan.