Sagot :
Answer:
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong 5 Abril 1947 ay ang ika-14 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas 20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at ilalim-kalihim (undersecretary) ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido.
Explanation: