Sagot :
Answer:
Kawalan ng hanapbuhay, kawalan ng minamahal sa buhay, pagtaas ng presyo ng bilihin, at pagdami ng kaso ng mga nagkakasakit dahil sa laganap na sakit na kung tawagin ay COVID-19. Iilan lamang ito sa mga karanasan natin ngayong pandemya. Bagama't maraming hindi inaasahang pangyayari ang dumating mero pa rin namang magagandang pangyayari ang ihihatid ng new normal. Sa isang iglap ay nagbago ang pamamaraan natin upang makabangon sa buhay. Naging laganap ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral, pagnenegosyo, at maging sa simpleng pakikipagtalastasan kung saan nauuso na ang video call. Marami mang pait, nariyan naman ang hatid rin na tamis. Ganyan naman talaga ang buhay minsa'y nasa ilalim at minsa'y naa itaas. Ang tanging magagawa lamang natin ay magpatiayon sa alon ng buhay at magsumikap. Laging isa-isip na lilipas din ito at dadating ang bagong umaga. Basta ang mahalaga ay lumalaban at kumikilos ka! Bilang panapos may itatanong ako sa iyo, "Ikaw, kumusta naman ang iyong karanasan ngayong may pandemya?"